Thursday, November 21, 2019

5 years sa thesis


5 years sa thesis

Noong unang term ng year senior year ko sa college bilang computer engineering student, sobrang excited nako magthesis sapagkat gusto ko ng maggraduate. Pumili ako ng adviser na nakasama ko. Sabi ko sa prof nato, na kung pwede bigyan ako ng thesis na challenging para matulak. Dati kasi, mataas ung tingin ko sa abildad ko at gusto ko sana matulak ung sarili upang gumalik kaya iniisip piliin ko ang isang topic na nagbibigay na chansa upang mabura ung mga kahinaan. Pinili ko ung image processing kahit medyo mababa ung skill ko dyan at iniisip ko rin na maraming opportunities sapagkat kaunti lang ang nagspe-specialize nito. Kala ko kaya ko matapos ng isang tao. Ngunit ,ng lumipas ang isang tao, di ako nakapagprogress. Dagdag sa problema ay ung prof ko ay nagibang bansa upang kumuwa ng doctors degree nya. Lumipas ng ilang taon, wala nagbago sa sitwasyon at nagkaroon ako ng depresyon. 

Ngaun, iniisip nyo na "Magshift ka na lang!" at tama nga dapat yan ung ginawa ko pero iniisip ko masasayang ang lahat ng paghihirap ko sa engineering kaya sinusubukan ko parin ituloy. Parang nahuli ako sa sunk cost. Tinutoloy ko na lang kasi maraming oras na akong ginamit para dito. Iniisip ko rin kung ano iisipin ng ibang tao kung magshift ako at nahihiya ako pag nalaman nila. At siyempre nasasayangan din ako sa pera na ginastos ng magulang ko.
Pero, isang gabi, sinabi ko sa sarili ko "bahala na". at sinabi ko sa magulang ko na gusto ko na magtransfer.
 Sa experiences ko, natuto ako na dapat marunong ako mag-let go sa di ko kaya at magmove on sa ibang bagay.

Ngaun nasa benilde, di ako sure kung tama ang ginagawa ko. Pinili ko ung course na animation kahit di ako magaling magdrawing sapagkat noong stuck ako sa thesis, nanood ako ng anime upang hindi ako malublob sa depreson. Iniisip ko ang animasyon ay ang sagot upang maiahon ung sarili ko. Sa ngayon, nageenjoy naman ako sa course dahil di lang sa mismong subjects pati narin sa mga kasama ko

No comments:

Post a Comment